Sienna POVIsang linggo na ang lumipas simula ng dito na muna ako manirahan sa New York, sa una hindi madali dahil siguro hindi ako sanay pero kalaunan ay naging maayos naman ako. Nanatili din muna dito si Liam para makasigurado na okay na okay na talaga ako at ngayong araw ang uwi niya sa Pilipinas. Hindi naman kasi siya puwedeng magtagal dito dahil may training pa siya."Are you sure you will be okay here, Sienna?" napatingin na naman ako kay Liam, hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang tinanong sa akin ang bagay na 'yan."Paulit-ulit tayo Li? Ilang beses ko na din sinagot 'yan. Huwag ako ang alalahanin mo dahil magiging maayos naman ako dito at isa pa may kasama naman na ako," sagot ko."Alright. Basta tawagan mo ako kapag may problema ha?"Ngumiti naman ako. "Oo na, Tay!" pang-aasar ko."I'm serious here, Sienna." Napahagikhik naman ako. Ang moody din talaga ng lalaking 'to, dinaig pa akong buntis kaya ang saya niya lang asarin e. Kaya himbis na bwisitin pa siya ay tinul
Read more