Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan niya sa MIA terminal 3. Masigla siyang lumabas ng eroplano, at agad na nagtungo sa baggage area kung saan kinukuha ang mga luggage ng mga pasahero. Nakatayo siya kasama ng mga iba pang pasahero habang hinintay ang paglabas ng kanyang bagahe sa isang maliit na bintana. Nang makita niya na ang kanyang bagahe agad niyang dinampot ang mga ito. Isang maliit na maleta lang iyon at isang ice bucket na naglalaman ng pinaluto niyang sugpo, alimango at king crab kay Mang Pedring. Nasaan na kaya si Owen tanong niya sa sarili. Mabilis niyang kinuha ang phone niya sa bulsa ng kanyang jeans, at agad na nag-text sa binata.To Big Bro: where are you? palabas na ako sa arrival area.Hinintay niya ang sagot ni Owen pero embes na mag-reply ito sa kanya, isang tawag ang natanggap niya.Big Bro calling...Natawa siya, kahit kailan talaga tamad itong mag-reply sa text. She answers the call but before she can utter a word, nagsalita na ito."Baby, doon ka dumaan sa VI
Huling Na-update : 2024-02-03 Magbasa pa