Chapter 5IgnoredMay narinig akong katok sa pintuan habang ako ay ginagawa ang modules ko.“Señorita, pinapatawag po kayo ni Señorito na kumain sa baba,” usal ng isang kasambahay dito.“Opo, sandali lang,” sumagot ako agad.Agad kong niligpit ang gamit ko sa lamesa bago bumaba para kumain.Pagkababa ko, wala si Kairos. Pinatawag niya ako pero wala naman siya?“Ate, asaan po si Kairos?” tanong ko sa isang kasambahay na kumatok kanina sa kwarto ko na binibigyan ako ng pagkain.“Kakaalis lang papunta sa trabaho eh. Pinatawag ka po ni Señorito dahil nag-aalala po siya dahil buong araw kang nasa kwarto,” pagpapaliwanag nito.Right. Bakit ako nagpapalipas ng gutom? May bata pa naman ako sa sinapupunan ko.“Ahh, salamat po.”Tulala akong kumakain mag-isa sa malaking lamesa. Iniiwasan niya ba ako? Hindi ko pa siya nakikita
Last Updated : 2024-02-22 Read more