KINAUMAGAHANHindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog matapos kong makatulugan ang pag-iyak kagabi ngunit nasisigurado ko na hindi iyon sapat dahil hanggang ngayon ay wala sa wisyo para magproseso ng maayos ang utak ko.Hanggang sa bigla ay bumukas na lamang ang pintuan ng k’warto ni Renz ay animong saka lamang ako tuluyang nagising mula sa pagkakatulala ko. Nang lingunin ko siya ay halata na sa kan’yang mukha ang lungkot, pagkakadismaya at animong may malaking problema na dinadala.“What’s with your face, Doc?” Pinilit kong magmukhang malakas sa harapan niya. Nagawa kong ngumiti ngunit mukhang hindi iyon ganoon kapanipaniwala dahil wala man lang nagbago sa expression ng mukha niya. “Is there something wrong? May nangyari ba?” Hindi ko na naiwasan ang kabahan.“I know how hard your situation is right now, Rina, and it’s frustrating the hell out na ako pa ang kailangan magbalita nito sa ‘yo.” Ramdam ko ang frustration sa bawat pagbuntonghininga niya.Sumeryoso naman ako at saka
Last Updated : 2024-01-25 Read more