COLEEN's POVMagdidilim na nang makauwe ako ng bahay pero hindi pa dumadating ang mag-ama ko. Dito pa rin kami ngayon sa mansion ng parents ko nakatira. Tinatawagan ko ang celphone ni Vince pero hindi nito sinasagot. Naisip ko na baka nalibang ito ng sobra sa kambal, kaya di sinasagot ang tawag ko. "Hayaan mo na muna anak, at baka busy pa sa pamamasyal ang mag-aama mo at nag eenjoy ng sobra," wika ng mommy niya nang mapansin na panay ang sulyap niya sa celphone at sa pinto. Tumango tango na lamang ako. "Oo nga naman baka talagang sinusulit ni Vince, ang bawat oras," aniko sa isip. Nanood na lamang ako ng tv, habang hinihintay ang tatlo. Ngunit maya-maya ay nag ring na ang celphone ko at nakitang si Vince ang tumatawag ay agad ko itong sinagot. "What!?" bulalas ko nang marinig ang sinabi ni Vince sa kabilang linya. Maging si mom ay nagulat sa biglang taas ng boses ko. "Kararating lang namin dito. Gusto nila na dito matulog, kaya pumunta ka na lang dahil inaantok na ang kambal at
Last Updated : 2024-04-22 Read more