Don't Mess With The BillionaireChapter 3"TALAGA ho, Manang Carletta?" Napangiti si April matapos marinig mula sa kausap niya sa kabilang linya ang isang magandang balita sa hapong iyon.Si Manang Carletta ay ang matandang dalaga na nakatira malapit sa dating bahay na kanilang tinitirahan. Ito rin ang madalas na kaagapay niya sa pag-aalaga ng triplets. Parang ina na rin ang turing ni April sa matanda kaya halos araw-araw ay tinatawagan niya ito upang kumustahin.Hindi lang ang bahay na iyon ang nami-miss niya, maging si Manang Carletta rin."Oo, anak. Mabait ang nakabili ng bahay. Katunayan niyan ay sumadya ako kahapon doon at pinagdalhan ko ng paborito nating ulam iyong bagong may-ari ng bahay. At alam mo ba, Rose masayang tinanggap ng lalaki ang binigay ko nang walang pag-aalinlangan. Kaya masasabi kong mabait ang taong iyon." Masayang kuwento sa kanya ni Manang Carletta."Baka naman patay-gutom lang ho, Manang kaya hindi tumanggi." Siste ni April."Loko itong batang 'to." Natatawa
Huling Na-update : 2024-06-19 Magbasa pa