Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko, napatingin ako sa tabi ko at nakitang wala na naman si Ismael doon, hindi siya umuwi? Napahikab ako at napagdesisyunang tumayo na, hindi siya umuwi kagabi kahit sinabihan niya akong uuwi siya ng maaga para sa lulutuin ko.Bumangon na ako at nag ayos sa sarili bago bumaba, the maids are busy with their tasks, kaya naman tahimik nalang akong pumasok ng kusina para uminom ng tubig, napatingin ako sa niluto kong nasa loob ng fridge, halos hindi yun nabawasan kaya sigurado akong ako lang talaga ang kumain nun kagabi, even the maids and the drivers didn’t take even a bit since alam nalang niluto ko yun para sa amo nilang hindi naman ako inuwian kagabi.Nakita kong sumisilip sa akin sina Linda kaya nilingon ko na sila, they seemed shocked though kaya dali dali silang nagsibalikan sa kaniya kaniyang ginagawa. Sa pagiging kampante nila ay hindi nila naramdamang lumapit na ako sa kanila. “Umuwi naman si Sir kagabi, kaya lang maaga namang umalis, may pr
Terakhir Diperbarui : 2024-07-03 Baca selengkapnya