"Godzilla wants to meet Precious!" Pilyong ngumiti si Marc habang buhat buhat si Kim. Nagpo-protesta ang isip niya. Alam nya yung gustong mangyari ni Marc at napakabilis nun. Hindi naman sila pero gusto agad nito na meron mangyari."Marc wait!" Hindi naman siya pinakinggan ni Marc. Dire diretso nitong tinungo ang pinto ng kwarto at mabilis yun binuksan. Agad siya nitong nilapag sa kama. Para siyang lumubog sa kama sa sobrang lambot nun. Nahirapan pa siyang bumangon dahil hindi siya makabalanse. Napatingin siya kay Marc habang nakaluhod sa paanan niya hanggang umibabaw sa kanya. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at malagkit siyang tinitigan sa mga mata. Pakiramdam ni Kim ay may kung ano sa mga titig nito na nakapagpakalma sa kanya. Hinalikan siya nito sa noo tsaka tinitigan uli sa mga mata."Kim, I still feel what I feel for Nancy, for you! You know how much I like Nancy and I feel even more for you. I still feel the same way about you when we were just textmates. Parang sasabog
Last Updated : 2024-03-08 Read more