Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, bumungad sa akin ang puting kisame. Nakaramdam ako ng presensya mula sa gilid kaya nilingon ko ito, unti-unti kong pinilit ang sarili kong bumangon. “Umph,” I groaned, nilinga ko ang paningin sa paligid. “Oh my goodness, Quira! How are you feeling?” Tanong ni Mommy Rom habang tinutulungan akong umupo ng maayos, nag-aalala niya akong tiningnan at agad bumaling sa assistant niya. “Claire, tawagin mo si doktora,” “Ayos lang po ako, anong oras na? Baka hinihintay na ako ng mga bata,” Giit ko bago kinuha ang bag ko mula sa may side table at isinukbit sa balikat ko. “Dahan-dahan Quira, you wouldn't like it if the kids see that,” Tinuro niya ang leeg ko. “Namamaga siya, I'm sorry. This is all my fault,” Umiling ako at napabuntong-hininga. “Wala kang kinalaman sa nangyari Mommy Rom, si Hades ang may gawa nito. So please stop blaming yourself,” Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. “Maayos ko din ‘to, ayokong iniiwan ang mga bata. Kailangan nila
Last Updated : 2024-04-04 Read more