SUMAMA na siya kay Tyler pauwi kahit na hindi pa niya ito nakikilala. Ni pangalan ay hindi niya alam at sumama lang siya dito basta-basta. "Ano ba ang nasa isip mo Lily at pumayag ka agad? Hayst! Kung hindi lang talaga ako hinahabol ng mga 'yun edi sana wala ako sa sitwasyong 'to." Sabi niya sa kaniyang sarili.Dinala siya ni Tyler sa isang condominium nito. Halata sa lalaki na mayaman ito sa paraan ng kilos at ng klase ng condominium nito ay alam na agad niya na ang lalaki ay hindi lang ito basta mayaman kundi isang bilyonaryo. Alam niyang kumilatis ng isang taong galing sa mayaman at mga bagay na alam niyang brand ng mga mayayaman dahil siya mismo ay galing dito. "Dito ka muna pansamantala and by next week before our wedding ipapakilala kita sa buong pamilya ko." Litanya ni Tyler sa kaniya. Habang siya ay nililibot ang condo. "The things you need here is already completed. So, if you want to eat just cook it for yourself. The groceries, foods, and ingredients you need are all in
Last Updated : 2024-01-17 Read more