“Nak, andito na ang bill ng kuryente at tubig. Jusko sabay talagang dumating.” Sabi ng nanay ko pagkaupo sa hapagkainan. Hmm goodmorning kaya muna?“Hmm magkano ba? Bukas magbabayad ako ma” eto na naman ako, akala mo may ipon at kaydaling magsabi na kayang bayaran ang tubig at kuryente, agad-agad.Napangiti si mama sa sagot ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang ma stress ang nanay ko sa bayarin sa bahay. Kaya pag ganitong may kailangang bayaran, ako na ang taya.“Oh siya, mag breakfast ka na at baka ma late ka sa session niyo” sabi niya at pinagtimpla ako ng kape.Hmm isa pa itong buhay ko sa gobyerno. Akala ko yayaman ako dahil malaki ang sweldo pero tangina, puro pighati at utang lang ang na invest ko.Utang. Isang salita pero triggered kaluluwa ko. Paano ko ba mababayaran lahat ng mga utang kong pera sa mundo? Nakakaumay ng kumayod tapos sa kinsenas at katapusan ibabayad mo lang sa utang.Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.Inabot ni mama ang kape ko. Sumimsim ako sa mainit na ka
Magbasa pa