"Akala ko nakalimutan mo na 'ko, Attorney. Isang linggo lang ang usapan natin pero pinaabot mo nang mahigit dalawang linggo. Mabagal kang trumabaho. Mabuti na lang, marunong akong magtimpi kung hindi..." Hinda na itinuloy ni Lileth ang sana'y sasabihin. Humakbang na lang siya palabas sa kulungan. She inhaled deeply, drawing in the fresher breeze of air outside the godforsaken place she has been in for almost a month. Finally, after weeks of waiting, malaya na ulit siya. Temporarily that is."Sinabi ko naman sa 'yo, mahirap kalabanin ang mga Sandejas. Kung wala lang utang na pabor sa akin ang isa sa mga nasa taas, hindi ka mabibigyan ng bail ngayon. Kaya puwede ba, magpasalamat ka na lang," paliwanag ni Atty. Valentin, iritable.Tumaltak siya, umirap. "Ang dami mong sinasabi. At utang ko pa talaga sa 'yo itong paglaya ko pansamantala. Hindi ba sinabi ko sa 'yo, alam ko ang mga sikreto mo. One call and I can ruin you, Atty. Valentin."Nagtagis ang mga bagang ng abogado,nagpatiuna nang
Last Updated : 2024-02-05 Read more