Sa paglipas ng araw sa pagitan ng mga sanga ng matatandang mga puno, mahinang simoy ang humahalik sa mga dahon, na nagtatahi ng isang marikit na himig na umaalulong sa mga bulong ng mga yaong nagdaan. Niluma ng paglipas ng mga taon ang mga nakatayong lapida na parang mga tahimik na bantay, dala ang mga nakalahad ng mga pangalan ng mga taong minsang nagbigay ng masiglang buhay. May mga pinalamutian ng mga sariwang bulaklak, at mayroon namang nababalot ng mga lumot at halamang-ugat, bawat isa ay nagmumungkahi ng kuwento na umabot na sa kaniyang wakas. Inilapag ni Erin ang bungkos ng puting rosas sa harapan ng lapida ng minsang kinilala niya bilang simple at matalinong kapatid ni Orion. It was Daryl’s death anniversary. Kasama na siya ngayon sa pamilya ng mga Arvesso na dumalaw sa puntod ni Daryl matapos ang kanyang kasal sa lalaki na ilang buwan na rin ang lumipas. Bahagyang sinasakal ng hindi nakikitang lubid ang dibdib ni Erin habang nakahinang sa pangalan at petsa ng ka
Read more