Pagkagaling sa villa ay dumiretso na ng uwi sa Bahay si Summer. Hindi na siya nagpasundo sa asawa. Ipinagluto Niya ito ng paborito nitong ulam. Nakatulog na Siya sa kakahintay sa asawa pero alas dyes na ng Gabi ay Wala pa ito. Sinubukan niyang tawagan ito pero di nito sinasagot ang kanyang tawag. Alas dose na ng hatinggabi ng marinig niyang may dumating na sasakyan, dali-dali siyang bumaba para salubungin ang asawa pero laking dismaya Niya ng makitang may kasama itong babae at inaalalagan nito papasok ng Bahay Ang kanyang asawa.lasing ito at halos Hindi nito kayang maglakad na mag Isa. Hindi siya makakilos sa kanyang kinatatayuan habang tinitingnan ang asawa at ang babae. Naka mini skirt ang babae, bitbit nito ag kanyang three inches na sapatos na may takong. Naalala Niya na Isa ang babae na ito sa mga malalapit sa kanyang asawa na inimbitahan noong araw ng kanilang kasal. Hindi Niya gusto kung paano ito tumingin sa kanyang asawa Nung araw na iyon. "Hi Summer, Pasensya ka na ha. I
Read more