Taas noo akong naglakad papasok sa elevator. Maraming tao ang nakakakilala sa 'kin, hindi dahil sa popular ako, kun'di dahil kilala ako bilang anak ng pamilyang Perez na kung saan ay maraming pinagkaka-utangan ang aking mga magulang kaya nila kinitil ang kanilang mga sariling buhay. . Dinig ko ang mga bulungan ng nasa paligid ko. Kung sa bagay, anak lang naman ako ng mag-asawang Perez. Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang biglang tumunog ang elevator senyales na nakarating na ako sa floor kung saan ako bababa. Expensive, 'yan ang matatawag ko sa kumpanya na ito. Halatang mamahalin ang mga gamit at halos wala kang makakapang bahid ng alikabok sa bawat furniture dahil sa sobrang linis. Pumunta ako rito upang mag-apply bilang secretary ng CEO ng kumpanyang ito. Halos ilang linggo pa lang kaming nandito ng aking mga anak galing ibang bansa. Sa ngayon, nakikituloy muna kami sa aking Tiyahin. Nakiusap kasi siya na umuwi na kaming mag-iina dito sa Pilipinas dahil mag-isa lang
Last Updated : 2023-11-27 Read more