All Chapters of Played By Fate: Chapter 141 - Chapter 150
357 Chapters
Book 2: Chapter 28-Takot at pagsisisi
"Kanina pa namin siya tinatawagan ngunit hindi sinasagot. Pinahahanap ko na rin siya sa tauhan ko sa paligid ngunit wala siya," ani Stella habang masama ang tingin kay Mauro .Naikuyom ni Mauro ang palad at mariing naglapat ang mga labi. Hindi niya masisi si Diana kung nagtampo ito sa kaniya. "Hahanapin ko siya."Napabuntonghininga si Kobe nang umalis na ang anak at patakbo pa itong lumabas ng hospital. Tinawagan na rin niya ang tauhan upang tumulong sa paghahanap sa kaniyang manugang.Nilibot ni Mauro ang paligid ng hospital upang hanapin si Diana. Alam niyang hindi lalayo ang asawa dahil sa kalagayan ng abuelo nito. Ngunit lahat ng sulok ng hospital ay napuntahan na niya pero hindi pa rin makita ito. Sandali siyang bumalik sa kinaroonan nila Stella at baka bumalik na roon si Diana."Sa tingin ko ay wala siya dito sa hospital," ani Charles."Sa tingin niyo ay mahahanap niyo pa siya?"Sabay na lumingon ang lahat kay Vans na kalalabas lang sa ICU room. Matalim ang tinging ipinukol ni
Read more
Book 2: Chapter 29-Basement
Napatingala si Mauro habang inaalala ang nakaraan. Dahil sa kamalditahan at kilos ni Diana noon kaya naniwala siyang lahat ng lalaking nagustohan nito ay nakasiping ng dalaga. Una naman talaga nakakuha ng atensyon niya noon ay si Diana. Nabaling lamang kay Stella dahil nga pinagtitripan noon ni Diana. Kabaliktaran ng ugali ni Diana si Stella kaya lumipat ang pagtingin niya dito noon.Nanghihinang napaupo si Mauro sa kama at parang nakikinita niya ang asawa na umiiyak doon. "How many years?" kausap niya sa asawa kahit wala ito roon. Naitanong niya sa sarili kung ilang taon siya nitong inalagaan sa puso nito?Mapaklang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi nang gumihit ang hapdi sa kaniyang puso. Nasasaktan siya sa isiping dumaan sa pamamalupit si Diana dahil sa kaniya. Iniligtas siya nito nang gabing iyon kahit alam ng dalaga kung ano ang maaring mangyari rito sa kamay ng sariling pamilya."I'm scared, sasaktan na naman nila ako." Naalala ni Mauro na sinambit noon ni Diana, matapos nitong
Read more
Book 2: Chapter 30-home
Hindi na nag-abala si Mauro na ayusin ang pagkaparking ng sasakyan sa harap ng kanilang bahay. Pagkababa ay nagmamadaling pumasok siya sa loob at sina Stella agad ang kaniyang nakita. Kinabahan siya nang makitang umiiyak ito at ganoon din ang ina niya."Mabuti at dumating ka na da—" hindi natapos ni Kobe ang pagsasalita at biglang tumalikod ang anak."Puntahan ko lang sa silid ang asawa ko." Nagmamadaling umakyat ng hagdan si Mauro.Napabuntonghininga si Kobe, bakas sa mukha ng anak ang labis na takot na hindi makita ang asawa nito. Ito na nga ba ang sinasabi niya noong una pa sa anak, ang bigyan ng oras ang sarili na pagtuunan ng pansin ang damdamin ng asawa nito. Binalingan niya ang asawa at tumayo. "Susundan ko muna ang anak mo."Malungkot na tumango si Beth. Sa nakikita niya rin sa histsura ng anak ay mukhang natauhan na sa tunay nitong damdamin para sa asawa.Pagkabukas ni Mauro sa silid ng asawa ay parang may malamig na kamay ang humaplos sa kaniyang puso. Para bang may malakin
Read more
Book 2: Chapter 31-CCTV
"She give up everything at lumayo." naiiyak na naibulalas ni Stella. "Sa tingin ko ay sinadya niyang galitin si Vincent sa pagitan nang paglipat ng share niya kay Mauro. Planado niya ang lahat," ani Charles. Parang lalo lamang nabingi si Mauro sa narinig. Wala siyang alam sa mga nangyari sa kompanya. Kung nasagot lang sana niya ang tawag nito, pero sa pagkansela niya sa tawag ay patunay lang nang pambabaliwala niya rito. Patunay lang na wala itong halaga sa kaniya. Napayuko ng ulo si Mauro at tahimik na lumuluha ang kaniyang puso. "Pinalikom ko na ang kuha sa surveillance camera sa conference room. Baka doon ay makakuha tayo ng clue kung bakit mas pinili ni Diana na lumayo." Biglang nabuhayan ng loob si Mauro at agad na nilapitan si Stella na siyang nagpakuha ng footage. Hindi rin maaring mapunta sa kamay ni Vans iyon at nag aalala siya sa gagawin nito kay Diana kapag natagpuan.Bumalik silang lahat sa sala at doon balak tingnan ang kuha sa CCTV na naka install sa loob ng pinangya
Read more
Book 2: Chapter 32-Clue
Hindi mapakali si Mauro habang naghihintay ng tawag sa isang tauhan nila na inutusang hanapin si Diana. "Tsk, puwede bang umupo ka lang?" naiiritang sita ni Kobe sa anak. Siya ang nahihilo dito dahil pagkaupo ay agad ding tatayo then papablik-balik nang lakad sa harapan nila.Parang walang narinig si Mauro at patuloy sa paglalakad habang nakahawak sa batok ang kanang kamay nito. Ang isa ay nakahawak sa cellphone at maya't maya ay tinitingnan. "What the fuck?" Naibulalas niya nang biglang may lumipad na unan at nailagan niya lang."Kanina pa kita sinasaway pero para kang bingi." Singhal ni Kobe sa anak.Napabuntonghinga si Mauro bago tumingin kina Stella. "May naisip ka bang maaring puntahan ni Diana or ibang tao na maari niyang samahan?" tanong niya sa kaibigan."Tama!"Gulat na napatingin ang lahat kay Kobe dahil sa bigla nitong sigaw."Bakit ba ngayon ko lang naisip?" patanong na dugtong ni Kobe."Ang alin, dad?" naiinip na tanong ni Mauro saka nagmamadaling lumapit sa ama."May ib
Read more
Book 2: Chapter 33-Priority
"Tita, maari ko po bang hiramin ang cellphone niyo? Gusto ko lang pong tawagan ang mommy ko."Hindi na nagtanong si Beth at pinagbigyan ang babae. Nakita niya rin kasing wala nang charge ang cellphone nito. Obligado silang alagaan ito ngayon dahil ang parents ng dalaga ay nasa ibang bansa."Gagamit lang ako ng banyo." Paalam ni Beth at iniwan na ang dalagang may hawak ng cellphone niya.Nakangiting tumango si Denise sa ginang. Pabor sa kaniya ang pag alis nito. Agad niyang dinayal ang numero ni Mauro, sa halip na sa mga magulang.Tumigil sa paghakbang si Mauro nang nakita kung sino ang caller. Agad niyang sinagot iyon at umaasa na may balita ito na maganda. "Mom?""Mauro, ako ito."Natigilan si Mauro nang marinig ang tinig ng kaibigan. "Humiram ako ng cellphone sa mommy mo kasi walang charge ang sa akin. Kumusta ka na, balita ko ay nawawala si Diana?" Mahamig sa tinig ni Denise ang labis na pag alala."I'm okay, pasensya na kung hindi na kita madalaw pa diyan.""Naintindihan ko, bak
Read more
Book 2: Chapter 34-Rewind
Pagdating nila Stella sa bahay ng pinsan, katulong ang sumalubong sa kanila."Ma'am, pasensya po pero tumawag si Sir Vans at pinagbawalan kaming magpapasok nang kahit na sino o tumanggap ng bisita." Paghingi nang paumanhin ng katulong. "Gusto ko sanang makausap si Diana." Pagbabakasakali ni Stella at baka bumalik doon si Diana."Sorry po, ma'am, pero mula nang ikinasal siya ay hindi na dito umuuwi."Napabuntonghininga si Stella at tinanaw ang bahay mula sa nakabukas na gate."Kung wala si Diana, maari ba naming makausap si Meashell?" Si Charles na ang nagsalita."Po?" mukhang nabingi ang katulong at nagtataka."May itatanong lang sana kami sa kaniya." Ngumiti si Charles sa katulong."Sorry po, pero nang araw ng kasal ni Ma'am Diana ay namaalam na rin siyang aalis dito."Nagkatinginan sina Mauro at Stella. Mukhang nagmamadali rin ang katulong at takot na humarap nang matagal sa kanila."Kung wala na po kayong ibang kailangan ay isasara ko na po ang gate." Paalam ng katulong."Sandali
Read more
Book 2: Chapter 35-Pag-asa
Mabilis na bumeyahe si Mauro kasama ang ama sa sasakyan matapos makuha ang location na ibinigay ng taxi driver. Si Charles ay nakasunod din sa kanila at nauna na doon ang tauhan nitong nag iimbistiga.Halos sabay lang dumating sa bus terminal sina Charles at Mauro. Agad na lumapit ang dalawang lalaki kay Mauro nang makita ito."Sir, naipagtanong na po namin kung namukhaan nila ang babaing pinahahanap ninyo. Ngunit walang record sa kanila na ganitong pangalan.""That's bullshit, paanong wala?" Galit na angil ni Mauro sa lalaki."Tiningnan na po namin ang surveillance camera at namataan siyang sumakay muli ng taxi."Nasabunutan ni Mauro ang sariling buhok dahil sa frustration. Ang akala niya ay matutukoy na niya ang location na pinuntahan ng asawa ngayon."Son, mahahanap din natin siya." Tinapik ni Kobe sa balikat ang anak."Mauna na ako at iwan ko sa inyo ang tauhan ko upang tumulong sa paghanap kay Diana. Kailangan ko nang umuwi at baka kung ano na naman ang ginagawa ng asawa ko at
Read more
Book 2: Chapter 36-Paghanga
"Ma'am, ano na po ang gagawin namin ngayong hindi namin sila maaring sundan?" tanong ng lalaki sa tawag kay Denise."Standby lang muna kayo diyan at ako ang bahala upang masundan niyo sila." Mahinahon na kausap ni Denise sa tauhan.Pagkababa ng tawag, nakangiting nag-dial muli ng numero si Denise. Tinawagan niya ang kaibigan upang kumustahin.Napamura si Mauro nang tumitik ang sasakyan niya sa isang alanganing lugar. Umusok ang makina niya at kailangan ng tubig. Sa sobrang abala sa pag iisip sa asawa ay nawala na rin sa isip niya na magpa gas ng sasakyan. Mabuti na lang medyo maliwanag na ang paligid."Sir, sumakay po muna kayo dito sa sasakyan ko at maiwan dito ang kasama ko." Suggest ni Jules. Hindi nila maaring pabayaan ang binata at responsibilidad nila ito.Walang salitang sumakay ng kotse ni Jules si Mauro. Kailangan nilang maghanap ng gasolinahan at mekaniko na rin upang tingnan ang sasakyan niya."Sir, tumutunog po ang telepono niyo." Puna ni Jules at nakailang ring na iyon ay
Read more
Book 2: Chapter 37-Larawan
"Kumusta ang pag iimbistiga niyo? Nahanap niyo na ba kung saang barangay pumunta ang asawa ko?" Naiinip na tanong ni Mauro kay Jules. Kahapon pa sila dumating sa isang bayan ng Samar at naka check in siya sa hotel. Nalaman nila na sa bayan na iyon pumunta ang sinakyan ng asawa mula sa daungan ng barko. Hindi na nila ma trace ang eksaktong binabaan ng asawa dahil wala nang surveillance camera. Nakausap din nila ang driver ng sinakyan nito ngunit hindi na matandaan ang eksatong barangay na binabaan ng bawat pasahero nito."Sir, naroon ang kasama ko sa isang lugar at may napabalitang may dayong dumating doon at pinagkakagulohan ng kalalakihan."Marahas na napatayo si Mauro sa kinaupuan at halos manlaki pati ang butas ng ilong. "Dalhin mo ako doon, ngayon din!"Napakamot si Jules sa ulo kahit hindi naman makati iyon. Siya ang magdadala dito sa lugar na iyon pero mas nauna pa sa kaniyang umalis.Habang nasa beyahe ay madilim na ang aura ng mukha ni Mauro. Hindi pa man nakumpirmang ang asaw
Read more
PREV
1
...
1314151617
...
36
DMCA.com Protection Status