“Leigh – “ napakagat-labi si Ali. “Leighton.” Leighton happily waved and gave her a smile. Nasa harapan siya ng organ habang tumitugtog ang salmo para sa misa bukas. Choir practice nila sa kapilya ng Don Jose. Maliit lang ang nasabing chapel pero naka-centralized ang AC units dito. Taking-taka naman ang choir leader na si JC, 36 years old at ka-batch ni Ali noon sa Grand Choir. “M-Magkakilala kayo, Lia?” Umiiling-iling si Ali. “Ahhhhmmm…hindi naman.” Palinga-linga pa siya sa paligid at hindi pa ring makapaniwala. “Saka hindi siya Katoliko –“ “Ay, mukhang huli ka na sa balita!” ani JC habang natatawa sa reaksyon ni Ali. “Katoliko na siya, 5 years na.” Napakunot siya ng noo. Tandang-tanda pa ni Ali ang reaksyon ni Leighton sa tuwing nakakakita ng mga rebulto sa simbahan. Aakalain mo na parang nasa horror house si Leighton sa takot. “`D-Di nga?” alangan niyang tanong. Leighton laughed. “Hay, maraming nagbago, Ali-B – I mean, Alissa.” Sasabihin na niya sana ang tawag niya kay Ali pe
Magbasa pa