Nagising si Chloe ng maaga dahil may photoshoot siya sa isang malaking kumpanya ng alak. Kakatext lang kaninang madaling araw sa kanya ng kanyang walang- hiya na manager. Tinatanaw niya na malaking utang na loob ang pag- ampon sa kanila ng kanyang nanay noon nito. Kaya hindi niya magawang tumanggi sa mga pinapagawa nito sa kanya, kagaya na lamang nag pagbebenta nito sa kanya sa mga mayayaman na negosyante. Humarap siya sa salamin at tinakpan ang pasa ng kanyang labi, kinapalan niya pa ang kanyang foundation. Maging ang kanyang mga mata ay namumugto pa. Pero hindi maaring pumunta sa photoshoot, kaya kahit ganito ang kanyang sitwasyon ay kailangan niyang maging propesiyonal. Nakahanda na siya sa pag- alis. Nag- suot siya ng sunglasses, para maitago ang namumugto niyang mga mata. Mag- isa lang siya sa loob ng elevator, pero bigla itong bumukas at pumasok ang isang lalaki. Hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin, ganon na siya kamanhid ngayon wala na siya pakialam sa mga tao. Iniisip
Last Updated : 2024-07-01 Read more