NALIE ATHALIA...Masaya ang kan'yang araw habang nagtatrabaho ng araw na iyon. Napapangiti na lamang s'ya sa tuwing maalala n'ya kung paano s'ya asikasuhin ni Adrian.Adrian treats her like a queen at mas lalo pa itong nagpadagdag ng kan'yang pagmamahal dito.Ngayon n'ya lang naranasan ang lahat ng ganitong trato mula sa isang lalaki. Para s'yang teenager na kinikilig at napapangiti nang mag-isa sa tuwing maalala n'ya ang mga pinagagawa ni Adrian sa kan'ya."Mukhang masaya ka ngayon doc ah, mukhang nadiligan," ang nanunuksong boses ni Chariz ang umawat sa kan'yang pag-iimagine. Sinamaan n'ya ito ng tingin ngunit nginisihan lamang s'ya ng kan'yang sekretarya."Manahimik ka Chariz, ako na naman ang nakita mo," sita n'ya rito."Ay taray! Pero doc maiba ako, huwag mong mamasamain ha, kasi kagabi nag dinner kami ng jowa ko sa isang hotel, nakita ko ang asawa mo doon at kasama si ma'am Cynthia. Akala ko nga kasama ka din pero hindi kita nakita at hanggang sa matapos kaming kumain ay silang
Last Updated : 2023-11-18 Read more