Napalingon sila sa nag salita... ang kaibigan nilang si Lovely. Nurse din ito doon. Baguhan lang ito, wala pa ito noong una cyang nagtrabaho sa ospital. Pag balik nya doon ay saka naman ang pag pasok nito sa ospital. Wala itong alam sa history nya sa pilipinas. gusto nya as much as possible ay walang makaka alam ng nakaraan nya. Lalo na ang video na kumakalat. Lumapit ito sa kanila at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Rose. "Huuy bakit andito na tayong lahat? sino na ngayun ang tao sa nurse station?" tanong nya."Ewan ko basta ako break ko!" sambit ni Rose."Eh break ko din eh... wag ka mag alala andun si Sarah." saad din ni Lovely. Si Sara ay isa pa nilang kasamahang nurse doon. Head nurse din ito, batch nila ni Rose ito noon pa. Pinoy din ito pero iba ang ugali sa kanilang lahat. Hindi ito friendly sa kanila at bossy pa, palautos ito sa mga baguhan na nurse kaya naiinis si Lovely dito, ito kasi lagi ang nauutusan porket bagong pasok ito doon. May gusto din ito kay Albert kaya na
Last Updated : 2024-02-22 Read more