REGINALD DAEWOON..."Awwww! Baby dahan-dahan naman, masakit!" nakangiwi na angal n'ya ng diinan ni Goldy ang hawak na bulak na gamit nito sa paglilinis sa kan'yang mga sugat."You deserve it!" inis na singhal nito sa kan'ya. Kanina n'ya pa kasi ito tinutukso dahil sa pag-iyak nito kanina ng makita na natamaan s'ya ng bala."Hmmmm! Hindi mo ba ako mahal baby Bullet? Akala ko ba mahal mo ako dahil iniyakan mo ako kanina," dagdag n'ya pa na ikinatanggap n'ya ng isang matalim na tingin mula sa dalaga.Hindi n'ya alam kung saan s'ya dinala nito. Madilim ang kanilang dinadaanan kanina at hindi n'ya masyadong nakikita ang daan dahil sobrang dilim ng paligid at walang kailaw-ilaw.Basta nararamdaman n'ya na lang na parang paakyat sa mataas na parti ang takbo ng sasakyan ni Goldy. Hindi na s'ya nagtanong pa sa dalaga dahil may tiwala naman s'ya rito at nararamdaman n'ya na hindi s'ya ipapahamak nito.At dinala nga s'ya nito sa isang bahay at sa tingin n'ya ay pag-aari ito ng babae dahil kabis
Last Updated : 2024-03-05 Read more