Nakacross ang brasong muli akong nagpakawala ng buntong hininga ng naabutan si Viglianco sa kusinang nagluluto na.Mukha itong ganado at nag-eenjoy sa ginagawa dahil kitang kita naman sa kanyang mukha, topples pa ngunit may apron namang suot. Tatlong araw na ang dumaan simula ng mangyari ang sa may balkonahe, sa gabing iyon at ang pagsapit ng bukas ay ilang na ilang ako sa kanya, habang siya ay mukhang wala lang sa kanya. Nang mapansin ang presensiya namin ay nilingon niya kami, kaagad pomorma ang ngiti sa labi niya saka kami nilapitan at kapwa binigayan ng halik sa ulo. "Good morning babies, upo lang muna kayo, malapit na 'tong niluluto ko." "Ako dapat ang gumagawa niya," asik ko na nginisihan niya lang bago ako kindatan and even mouth I love you, iwas tingin akong napailing. Hindi ba siya nahihiya sa anak niya? Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako dahil magaling na ito sa kusina, parang pinag-aralan ganun, pero hindi naman siguro siya mag-aaksaya ng oras. Natapos ang aga
Last Updated : 2025-01-12 Read more