LAXUS TIMOTHY FERRER Naikuyom ko ang kamao ng makita ko na magkayakap si Cierra at Trevor kahapon. Hindi ko pa rin makalimutan ang nakita ko, ngayon hawak ko ang isang baso ng whiskey.Naka tanaw lang sa ibaba habang nakikita kong nag sasaya ang mga tauhan ni Cierra, kahit si Cierra ay ganun din.Nakita ko ang pagdating pa ng maraming pagkain na tingin ko ay pinaluto nila sa kitchen."Babe, kakain na tayo after nito boating daw tayo sabi ni Mommy." wika ni Mildred sa akin."Sunod ako," malamig kong sagot at hindi ko ito pinansin."Laxus, wala na ba talagang pag asa na mag ka ayos pa tayo? Masaya na si Cierra, hayaan mo na siya." tanong ni Mildred."Magiging masaya ako kapag ako ang may hawak sa kanya." malamig kong wika."Laxus, hindi bagay si Cierra, tao siya Laxus." paalala nito at umalis na agad.I don't care, hangga't hindi ko hawak ang dati kong asawa, hindi ako titigil yun ang gusto ko.CIERRA RAVEN FIOR"Ang saya nila.." wika ni Mama na ngayon ay nasa tabi ko."Oo nga po Mama,
Last Updated : 2023-12-13 Read more