"I am so excited! ngayon lang ako ulit nakalabas after that two hell week!" Kasama ko ngayon si Lianna. Nakakapit ang kamay niya sa akin habang naglalakad kaming dalawa sa Mall na pagmamay-ari ni Thauce. Nagmensahe kasi siya kanina na magpapasama siya mamili ng mga damit dahil nga sa tiyan niya na lumalaki na. "So, how's married life?" baling niya sa akin, nakahilig ang ulo niya sa braso ko. Ang lambing pa rin niya sa akin. Alam na pala niya na kasal kami ni Thauce, nun pa lang mismong linggo na 'yon ay sinabi na rin nito sa kaniya ang totoo. At ang tungkol kay Ma'am Diana, sinabi sa akin ni Lianna na hindi siya makapaniwala na magagawa ng stepmother ni Thauce 'yon sa akin. Galit rin siya, lalo na kay Rita nang makialam pa ito at hindi pa rin ito tumigil pagkatapos ng mga nangyari sa isla. "Hmm... parang wala naman pinagbago, Lianna. Ganoon pa rin dahil nasa bahay lang ako, ayaw kasi akong payagan ni Thauce na magtrabaho. Ang gusto niya ay iyong inaasikaso ko lang siya, pero minsan
Last Updated : 2023-12-13 Read more