Muling pumasok si Damsel sa silid ni Jessy bitbit ang breakfast tray at inilagay sa gilid ng kama, sumilay naman ang isang matamis na ngiti sa mukha ni Jessy at nag-angat siya ng tingin dito."Thank you," tila nahihiyang pasalamat niya."Are you okay now?" tanong ni Damsel.Tumango siya. "Yes."Umayos na ng upo si Jessy at bahagyang sumandig sa head board ng kama, inayos ni Damsel ang tray at inilagay sa tapat niya nang makakain na siya."You don't have to go to work, ako na bahala sa hospital kung saan ka nag-i-intern," pautos na saad ni Damsel habang pinapanuod namin itong kumain."Y-You mean... mag-i-stay lang ako rito sa bahay?" tanong ni Jessy na tila hindi siya sang-ayon."You have to rest, doctor ka dapat alam mo iyon at kahit hindi mo linya ang pagiging ob, alam mong nagpapahinga dapat kapag ganito ang pasyente," sagot ni Damsel kaya bumuntong hininga na lang ito."Tama si Damsel, Jessy. You have to rest habang nagdadalang tao ka, siya na bahala alam mo naman kung gaano kalawa
Last Updated : 2023-10-04 Read more