Hindi makapaniwalang napailing-iling siya, nagpaikot ng mga mata. “Wow. Hindi rin pala makapal ang mukha mo, ano?”“I still get the feeling that you’re jealous though, even if you’re denying it.” nakangising sambit nito. “Malakas ata ang pakiramdam ko.”“You know what, oras na siguro para ipasuri mo na ang... alam mo na, ulo mo, Gab. Nahihiban ka na kasi!” asik niya at maarteng tinalikuran ito.“Fine, fine. Sige na, hindi na.” natatawang sambit ng binata sabay habol sa kanya. “Just... just calm down and go on a stroll with me. Siguro nga hindi ka nagseselos para sa ‘yo, but let me just think that way. It was somehow making me happy.”Happy... Natigilan ng sandali doon si Gabriella. All of her life, except to her friends, she never made someone happy before by just a little gesture, or even just saying such simple compliment. Kahit na ang mga magulang noon na todo ang pag-udyok na malagpasan niya ang pinsan na batid niya namang ginawa niya lahat ay hindi niya kailanman napasaya. Pagkat
Magbasa pa