"Daddy, can you sleep in our room, too?" Louisa had been so clingy to his father after dinner. Actually, silang apat na magkakapatid. Kung saan pupunta ang daddy nila ay naroon sila. Para bang matagal na silang magkakilala at ayaw nilang nawawala sa paningin ang ama nila."I'll ask for your mom," dinig kong sagot ni Anton sa kanya.Kahit nga kaninang naligo si Anton, naghintay silang apat sa labas ng banyo. Tinulungan ko na lang si Karla sa kusina para naman may magawa ako."Ate, sobrang guwapo pala ni Sir Anton sa personal. Ang lakas ng dating! Parang hinihigop ang kaluluwa ko kaninang nagtanong siya kung anong pangalan ko," halos mamula ang mukha ni Karla.Ngumiti lang ako. Tinanaw ang mga anak kong nasa labas pa rin ng banyo."Grabe, 'no, ate? Ang lakas naman ng genes niya, nakaapat agad kayo? Siguro in love na in love kayong dalawa noon habang ginagawa n'yo ang mga bata."I shot a glare at her. "Pakihinaan ang boses mo, mamaya marinig ka ng mga bata," sita ko sa kanya.Humagikgik
Last Updated : 2023-12-03 Read more