Andrew's POV Pinuntahan na nga namin ang lugar kung saan makikita ang taong hinahanap namin. Kasama ko sila Jake, Bryan at Carlos, ppati na din ang sampung tauhan na hiniram ko kay dad. Ang plano ko lang sa sampung tauhan ay panakot lang para magsalita si kaagad.Nandito na kami sa lugar na tinutukoy ni Bryan at ni Jake. Katapat na namin ang bahay niya.Bumaba na si Bryan pati na din ang sampung tauhan ni daddy. Dito lang kami nila Jake at Carlos sa loob ng kotseSi Bryan ang kumatok sa pintuan ng bahay. Maya-maya pa ay isang matandang babae ang nagbukas nito, nasa edad na 40's. Siguro siya ang asawa. "Ano po ang kailangan nila." Bungad ng isang babae."Hawakan niyo ang babae." utos ko kay Bryan. May Earpiece si Bryan sa tainga niya para dito kami mag-uusap. Gaya ng utos ko ay sinunod ni Bryan itong hawakan.Nagulat din ang matandang lalaki na kamukha ng nasa video sa pagpasok nila Bryan sa loob ng bahay. "Bitawan niyo ako. Sino ba kayo." Matapang na sigaw ng matandang babae."Pase
Huling Na-update : 2023-08-20 Magbasa pa