"Sami? Pupunta ba tayo sa university nila Kai at Layne?""H*ck, Anne! Sinabi ng hindi tayo pinapapunta doon nila at wala namang sinabi sila Layne na pumunta tayo. Anne, bawal tayo doon sa university nila. Dahil hindi naman tayo nag-aaral doon," inis na paliwanag ni Sami."Please?! Punta tayo! Ime-message ko sila Kai," pagmamatigas ko sa kanya. Gusto ko talagang makausap siya. "Yes! Yes! Oo na! Matigil ka lang. Paulit-ulit ka! Ang kulit mo grabe!" Napangiti naman ako sa sinabi ng kaibigan ko. Nag-message na rin ako kala Kai at Layne na pupunta kami sa university nila. Tuwang-tuwa naman silang dalawa sa message ko. Wala na rin daw silang klase. Nandoon daw silang dalawa sa dati naming tinambayan ng unang punta namin."Sis, dito!" Salubong sa amin nila Kai. "Sa cafeteria tayo."'Yung cafeteria nila ay parang sa mga restaurant dahil may mga waiter na pumupunta sa bawat lamesa para kuhain ang order nila. Napabuntong-hininga ako kasi bawat paglakad namin ay may nadadaan kaming mga kakil
Terakhir Diperbarui : 2023-09-07 Baca selengkapnya