Home / Romance / One More Night / Kabanata 11 - Kabanata 14

Lahat ng Kabanata ng One More Night: Kabanata 11 - Kabanata 14

14 Kabanata

Chapter 10 Ang Pagtatagpo nina Lorenzo at Joan

lPAKIRAMDAM ni Joan ay mayroong nagmamasid sa kanya kaya niyakap niya ang sarili. Wala naman kasi si Andrew para gawin iyon sa kanya kaya siya na lang muna ang magpuprotekta sa kanyang sarili. Panalangin na lang niya ay walang kapahamakan na mangyari sa kanya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na solo siyang umalis. Dati kasi'y lagi niyang kasama si Andrew. Napabuntunghininga lang siya dahil ang totoo ay gustong sumama sa kanya ni Andrew pero tumanggi siya. Ang ikinatwiran niya rito ay hindi siya makapagku-concentrate sa kanyang pagsusulat. Kunsabagay, may katotohanan naman iyon dahil nakakatatlong chapters na siya ng kanyang sinusulat. "Hindi ka ba giniginaw?" Tanong ng isang lalaki buhat sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang boses ni Lorenzo kaya gilalas niya itong nilingon. "Anong ginagawa mo rito?" Gilalas niyang tanong. "Nagbabakasyon.""May kasama ka?" Tanong niya. Ewan niya kung bakit hindi pa man nito sinasabi na, 'oo may kasama ako' , parang naba-badtrip na
Magbasa pa

Chapter 11 Sina Lorenzo at Joan

MALI ito, naiinis na sabi ni Joan sa kanyang sarili dahil parang hindi niya magawang tanggihan si Lorenzo. Sabi kasi nito, hindi makabubuti kung babalik na siya agad sa kanyang pagsusulat gayung marami silang nakain. Lalo ka na, mariin niyang paalala sa kanyang sarili. "May deadline ako," wika niya sa mahinang tinig. Talaga kasing nagtatalo ang kanyang puso't isipan kung anong susundin, ang manatili sa tabi ni Lorenzo o magpunta na sa kanyang cottage para siya ay makapagsulat. Ang sabi ng kanyang utak, kailangan na niyang magsulat dahil iyon naman ang dahilan kaya naririto siya sa resort na ito. "Kahit may deadline ka kung hindi ka naman makakapagsulat, pagdating mo sa cottage mo, balewala rin.""Paano ka nakakasigurado dyan?" Naiinis niyang tanong pero sa pakiramdam niya ay mas naiinis siya siya sa kanyang sarili. "Tiyak kasing lagi mo akong maiisip," nagmamalaking sabi ni Lorenzo. "Ang yabang mo talaga!" Ang nais sana niya ay sabihin iyon kay Lorenzo ng buong katarayan pero pa
Magbasa pa

Chapter 12 Ang Paglalapit nina Lorenzo at Joan 

“HINDI ba nakakatakot dito?” kabadong tanong ni Joan pero alam niyang ang kabang kanyang nararamdaman dahil ang lakas-lakas talaga ng pintig ng kanyang puso. Pakiramdam nga niya’y isa iyong drum na ginagamitan ng pagkalaki-laking drumstick. Kaya, hindi siya magtataka kung sasabihin sa kanya ni Lorenzo na nadidinig nito ang sinasabi ng kanyang puso.Inaya kasi siya ni Lorenzon pasukin ang kuweba na kanilang nakita. Hinawakan ni Lorenzo ang kanyang palad kaya kahit gusto niyang tumanggi ay hindi na niya nagawa. Talaga kasing kinabahan siya ng husto nang hawakan nito ang kanyang pald. Pakiramdam niya kasi sa ginawa ni Lorenzo ay hinawakan na rin nito ang kanyang puso. Ang baduy mo! inis niyang sabi sa kanyang sarili pero hindi naman niya napigilan ang mapangiti. “Huwag kang matakot dahil kasama mo naman ako,” wika nitong malambing na malambing ang tinig.Nang sulyapan niya si Lorenzo, pakiramdam niya’y iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya. Para kasing lalong nagwala ang k
Magbasa pa

Chapter 13 Ang Pagkirot ng Puso ni Joan

"HINDI mo ba tatanungin kung sino ang mahal ko?"Kahit nangangati na ang dila ni Joan na ibulalas ang katagang sino, hindi pa rin niya nagawa. Bigla kasi siyang kinabahan. Ibang klase naman kasi ang pagtitig sa kanya ni Lorenzo. Parang gusto nitong alamin ang laman ng kanyang puso. "Hindi ako interesado." Agad niyang iniwas kay Lorenzo ang kanyang tingin. Hindi niya kasi gustong makita nito ang kanyang mga mata dahil malalaman nitong nagsisinungaling siya. Para tuloy gusto niyang manggigil sa kanyang sarili. Hindi naman kasi siya dapat na magselos pero iyon ang nangyayari. Basta naramdaman na lang niyang parang may kamay na pumipiga sa kanyang puso. Dahil sa pag-iwas niya nang tingin kay Lorenzo ay noon lang niya nagawang pagmasdan ang paligid. Puro bato, hindi niya namalayan na nakaupo rin siya sa bato. Para kasi siyang naeengkanto kanina dahil naging sunud-sunuran lamang siya kay Lorenzo. At dahil doon, nakaramdam siya ng panggigigil. "Eh, bakit parang maiiyak ka?" nag-aalalang t
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status