"BELLA LUMABAS KA DYAN! ALAM KONG NASA LOOB KA KAYA LABAS NA.ABA'T TATLONG BUWAN KA NG HINDI NAGBABAYAD SA RENTA MO!"umagang umaga sigaw agad ni Aling Nenita ang naririnig ko.Napalitan akong bumangon dahil kahit anong gawin kong pagtatago dito hindi yan titigil kakasigaw,nakakahiya sa mga kapitbahay. Bumuntong hininga muna ako bago ko dahang dahan binuksan ang pinto. "Sinasabi ko na nga ba't nandyan ka lang sa loob,hala sige na iha at magbayad kana"iritadong sambit nya. " Aling Nenita naman alam mo namang nahihirapan na ako tsaka magbabayad naman ako e,wait wait lang po muna ha at ako'y naghahanap ng trabaho and Aling Nenita pang sampong singil nyo na yata yan ngayong araw eh.kalmahan mo lang beh"kinakabahan kong aniya dahil alam kong magagalit na naman ito. "ABA'T ITONG BATANG ITO NAKU,PANG SAMPONG ULIT MO NA DIN YANG RASON MO"napaatras ako.ikaw ba naman sigawan mismo sa harapan mo. Tumalsik pa yata yung laway nya. "tsaka hahanap ka ng trabaho,eh ang pag kakalaam ko mag iisang b
Read more