“Any plans?” sabi ni Zarina habang tinutulak niya ang wheelchair ni Rayne. “I’m blind at hindi ako makalakad para makapag-isip ng plans for this coming weekend,” sarkastikong sabi ni Rayne sa asawa. “Alam ko. Sumama na naman ang loob mo?” sabi ni Zarina. Umupo siya sa harap ni Rayne at hinaplos ang mukha nito. “No, I can’t do things on my own, Zarina,” muling sabi ni Rayne. “Hmm.. I’m sorry. Hindi lang ako makapaniwalang magkasama na tayo. Na nandito kana sa tabi ko at sa buhay namin ni Regina. Aalagaan kita, Babe,” paglalambing ni Zarina. Nakaupo sila sa may garden set at parehas silang nagpapaaraw ng mga oras na iyon. “Hindi ka nagsisisi na ganito na ako?” ng mga oras na iyon ay muling umagos ang luha ni Rayne. At pinunasan ni Zarina ang luha nito. “Hindi. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa iyo noon at hanggang-ngayon. Natatandaan ko ang lahat ng nangyari. Lalo na noong---” hindi na naituloy pa ni Zarina ang sasabihin ng biglang kapain ni Rayne ang kaniyang labi. “Babe, ako
Last Updated : 2024-03-08 Read more