Home / Romance / THE CEO'S ENTERTAINER / Kabanata 61 - Kabanata 70

Lahat ng Kabanata ng THE CEO'S ENTERTAINER: Kabanata 61 - Kabanata 70

105 Kabanata

Chapter 61: 'COMPLIMENTS'

Dahil sa tampo—alam naman niyang hindi nararapat magtampo in public lalo na sa harap ng mga kasama nila ay susuyuin siya nito. Ngunit gusto niyang pag-tripan ang asawa niya kaya kahit ilang beses siya nito kinalabit para sa goodbye kiss hindi niya ito pinagbibigyan. Natatawa lang ang mga kasama nila lalo na't pinanindigan nito ang sinabing hindi ito aalis hangga't walang goodbye kiss. "Sige na..." Hinimas-himas pa ng hinlalaki nito ang kaniyang siko at dumistansya lamang siya. "Ayoko, doon ka kay Samantha humalik," matigas niyang sabi at sinamaan pa ito ng tingin. Natawa naman si Eloise, alam niyang nagkokontrol rin ng pagtawa si Mark. Nagpatuloy pa siya, "Tutal mahilig ka naman sa hindi nagto-toothbrush." Lalong lumakas ang tawa ni Eloise, binaliwala lang ito ni Hivo at sumagot, "Ikaw lang naman ang hindi nagto-toothbrush na kinakahiligan ko." Dahil sa sinabi nito lalong tumalim ang titig niya sa asawa niya—hinarap ito lalo at dinuro, "Hoy, lalaking Soulvero! Nagto-toothbru
last updateHuling Na-update : 2023-08-20
Magbasa pa

Chapter 62: 'HER BACKGROUND'

Siguro nga talagang first time para sa mga taong sanay sa normal na ugali ni Hivo ang mga ugali niya ngayong masasabing masaya, makulit. Kauna-unahang pagkakataon din naman kasi ang pagiging palakwento niya kay Eloise. Natutuwa kasi siya dahil magkasundo si Eloise at ang asawa niya. Kaya nasabi na rin niya ang mga naging bonding nila, ngunit hindi naman lahat. "Ang unique kasi ng ugali ni ma'am Belle eh. Iyong tipong wala siyang pakialam kung ano sasabihin ng tao sa kaniya basta paprangkahin niya," natatawa pang sabi nito. Kumurba naman ang mga ngiti sa mga labi niya habang nagmamaneho. Naabutan pa sila ng traffic. "That's the things I liked about her. Especially, for those reasons: she's unconcerned about judgment and open about her background." "Background, sir?" Naramdaman niya ang pagtitig ni Eloise sa kaniya. Sinulyapan niya ito sandali at sumagot, "Yes. Well, hindi maganda ang background niya sa mata ng iba pero proud siya na napagdaanan niya iyon." "What back..." Eloi
last updateHuling Na-update : 2023-08-20
Magbasa pa

Chapter 63: 'THE SON'S CHASE'

"Nay..." Matagal bago niya ito makita, ang huli kasi ay musmos pa lamang siya, at alam niyang nalilito ito kung sino siya. Kaya ang namumutlang mukha at takot na reaction nito ay naintindihan niya. Upang mas malinawan ito, nagpakilala na lamang siya, "Ako ito, Nay, si Hivo." Ang naintindihan niya sa reaction nito ay napalitan nang pagtataka nang mabitawan nito ang hawak nitong paper bag. Napailing ito, "Anong..." Nalilito siya sa animo'y takot nitong inaasta. "Anong ginagawa mo dito?" "Nay?" Humakbang siya papalapit—nasasaktan sa mala-estrangherong tugon ng ina. Napaatras ito at sinabing, "Huwag mo akong susundan." Mas masakit ang makita niya itong nagmamadaling tumakbo palayo. Binaliwala niya ang presensya ni Eloise na panigurado nagtataka na rin sa ginagawa niya at hinabol ang kanyang ina. "Nay! Nay sandali!" "Sir!" Sigurado sumunod si Eloise sa kaniya. Huminto siya sandali at nilingon ito. Tinuro niya ang sasakyan, "Bantayan mo!" "Sir, saan ka pupunta! Baka mapano
last updateHuling Na-update : 2023-08-21
Magbasa pa

Chapter 64: 'PROPERTIES'

Sa kabilang panig, kasalukuyan pa ring pinag-uusapan ni Belle and Mark ang tungkol sa apilyedong Sansmith. Inamin na nga ni Mark na isa siyang Sansmith at ang tungkol sa palakang bracelet—binigay lang naman nito sa kaniya bilang warning sa pamilyang Hulterar. "Ang ganda ng apilyedong Sansmith, pang scientist nga," puri naman niya habang sinasalansan sa kamay niya ang mga baraha. "Pero kung Sansmith ang apelyido mo? Ano naman ang apangalan mo?" tanong niya. Agad itong nagsalita ng, "Pwede secret muna?" Sinamaan niya ito ng tingin at bumulong, "Daya..." Nagpaliwanag naman ito. "Hindi ko muna sasabihin ang lahat ng impormasyon. Hintayin ko lang ang kambal ko—naniniwala ako na makikita ko pa siya—or kapag magsimula nang matakot ang mga Hulterar—well..." He smirked. "Nagsimula na nga silang matakot kasi noong pumasok ako sa mansion at nilagyan ng maraming palaka ang kwarto ni Samantha, nagkaroon na sila ng mga palaisipan." "Ano? Ano? Mga palaka—nilagay mo?" natatanga niyang tanong.Ku
last updateHuling Na-update : 2023-08-21
Magbasa pa

Chapter 65: 'COMFLÌRT'

Dinaanan na lang siya ni Hivo sa Eagles-Bet pagsapit ng hapon. Tahimik itong nagmamaneho habang sila'y papauwi maging sa hapunan hindi ito kumikibo—talagang walang kasigla-sigla. Pinansin ito ng lolo, tumutugon lamang ito na may respeto't pagmamahal at ngumiti, ngunit mababakas pa rin sa reaction nito ang kawalan ng gana. Sa pag-akyat ng hagdan upang mamahinga, inalalayan nito ang lolo. Makikita talaga niya sa mga kilos ni Hivo kung gaano nito kamahal ang matanda. Hindi na nakakapagtaka kung bakit handa itong gawin ang lahat maprotektahan lang ang buhay nito. Sa totoo magulang nitong asawa niya, wala siyang idea kung bakit ito pinabayaan noon pero naniniwala siyang sa mga magulang na marunong mag-appreciate ng anak masasabi niyang napaka-swerte ng mga magulang nito. Sa kaniya? Hindi niya alam kung naging maswerte ba si Bernadette sa kaniya o maging ang tatay niya maliban sa pera. Kasi ang swerte lamang na nakuha ng mga ito sa kaniya ay ang nagawa siyang pakinabangan. Ngunit,
last updateHuling Na-update : 2023-08-22
Magbasa pa

Chapter 66: 'SKETCHBOOK'

Kasalukuyan siyang nasa kama pa rin, habang si Hivo ay nasa desk nito at halatang may ginuguhit. Napansin niyang nakakunot ang noo nito, tila may gustong silipin sa kung ano man ang ginuguhit nito.Dahil doon ay kumunot din ang noo niya, nagtataka sa kasalukuyang reaction nito. Tumagilid siya sa paghiga habang nakatukod ang kamay sa ulo at nagtanong, "Bakit ganiyan ang reaction mo?" Sumagot ito, "I'm just figuring something out.""Figuring something out what?" tanong naman niya. Sumulyap ito sa kaniya ngumiti nang bahagya at nagsalita, "Remember, when I told you, I used to be a batang kalye?" Tumango siya saka lang din niya naalalang may balak pala siyang magtanong tungkol sa dahilan kung bakit naging batang kalye ito dati. Nagpatuloy ito, "May nakasagupa kasi akong tabang babae na may masamang ugali, calling me mapanghe." Napakunot naman siya ng noo at sinabing, "That's my line, bakit nanggagaya ang batang iyan?" Tumaas ang kilay nito, nakangising tumingin sa kaniya at sinabing,
last updateHuling Na-update : 2023-08-22
Magbasa pa

Chapter 67: 'PLAN TO HELP'

Dahil sa sinabi niyang wala siyang sasabihin hangga't hindi siya nito tinatapos, pinagpatuloy na lang nitong tapusin ang ginagawa. Lupaypay na naman siyang binitawan nito at pabagsak na humiga sa kama. "Nauubusan ako ng energy, Wifey," reklamo nito habang hinihingal. "Kasalanan mo, kasi makulit ka!" asik niya habang inaatake ng kaunting antok. Natawa naman ito at umayos sa paghiga. Tumalikod siya rito at napa-igik na lang nang hampasin nito ang pisngi pwèt niya. "Now, tell me about Mark" he said. "Narinig mo naman ang kwento niya hindi ba?" paalala niya, "kinuha ng mga magnanakaw ang properties nila, at iyon pala ang mga Hulterar. Ganito kasi iyon..." Umayos siya nang higa, tumihaya at tumingin sa kisame. "Ang sabi niya sa akin, hindi mapapalitan ang pangalan ng kompanya dahil ang orihinal na dokumento nito ay nakatago at alam niya kung saan. Tapos sinabi mo na ang negosyo ng mga Hulterar ay Sansmith Innovation ang pangalan, which is iba sa apilyedo nila, at malayo pa, doon ak
last updateHuling Na-update : 2023-08-23
Magbasa pa

Chapter 68: 'WITH HIS SISTER'

Hindi masyadong hectic ang schedule ni Hivo sa opisina kaya naisipan niyang bumalik sa lugar kung nakita niya ang kaniyang ina. Mag-isa lamang siya dahil si Belle ay kasalukuyang nakipagkita kay Mark na naayon sa plano at ang opisina naman ay pinagkatiwala niya muna kay Eloise at Izry.Nang makarating siya sa lugar kung saan huli niyang nakita ang kaniyang ina, nahagip ng paningin niya ang isang babaeng tumatakbo mula sa kanan palusot sa kaliwang daan at humahabol ang isang lalaking naka-bonet na itim. Nangunot ang noo niya, nang bumalik ang babae at pinili na lang lumaban. Tila bata pa ito, teenager at mula sa kanan na daanan naman na dadaanan sana nito habang tumatakbo may isa ring lalaking lumabas at pinagtulungan nila ang babaeng may mabilis na kilos. Tila sanay ito sa martial arts at hirap itong labanan ng dalawang lalaki. Ngunit dahil mabilis ang kaniyang memorya at sa bilis ng paghagip ng paningin niya sa mukha nito, nakilala niya agad ang babae, kahit na dalaga na ito tingna
last updateHuling Na-update : 2023-08-23
Magbasa pa

Chapter 69: 'RUNNING AWAY'

"Halika na balikan na lang natin si Kuya," aniya at wala sa modong binalik suot ang helmet. Habang nagla-lock siya ng helmet nagsalita ito habang nag-dudukot sa bulsa, "Madi-distract lang iyon kapag hindi pa niya alam na safe na ako pero kapag alam na niya, mas mabilis pa iyon sa langaw sumibat." Napatitig siya rito habang ito naman ay nasa tenga na ang phone. Pinagmamasdan niya ito habang tinatawagan ang kapatid. Ibang-iba na talaga ito ngayon. Dati kasi napakahinang bata ito kung tingnan, maputla na halos isang pitik na lang mawawalan na ng buhay. Ngayon, sa nakikita niya, parang hindi ito nanggaling sa sakit. Sobrang bilis kumilos lumaban; sa batang edad nito hindi niya akalain na may ganito pala itong abilidad. Hindi kaya ganito talaga sila? Kasi kahit siya ang abilidad niya ay nadiskubre lamang niya sa kaniyang sarili na para bang nanggaling sila sa angkan ng mga assasin. Biglang nangibabaw ang boses ng kapatid niya, "Safe na ako kuya, nasaan ka? Kasama ko si Kuya Hivo, nili
last updateHuling Na-update : 2023-08-24
Magbasa pa

Chapter 70: 'THE REASONS'

Tumahimik nga siya, at sinundan ng tingin ang kuya niyang nilapitan ang mga bángkáy habang si Robelyn naman ay nilapitan ang kanilang ina at mabilisang inalis ang tali sa mga kamay. Mabilis naman siyang humakbang para kalasin ang tali sa mga paa nito—napakahigpit pa naman. "Kailangan nating umalis dito," kabadong turan ng kaniyang ina. Tumingin ito kay Dreor na ngayon ay nasa kamay na ang dalawang earbud habang nangibabaw naman ang boses ni Robelyn, "Wala kaming nakuhang gamit, Nay." Umalis si Dreor sa harap nila, siya naman ay humarap sa nanay niya at hinawakan ito sa braso. Humarap ito sa kaniyang bakas sa mukha ang takot at stress, napa-iling na lang na halos hindi na rin alam kung ano ang sasabihin. "Nay..." Niyakap niya ito, yumakap rin pabalik ang kaniyang ina. Nakarinig siya ng tunog na animo'y may pinupukpok sa kusina—napakaliit lang kasi ng bahay at rinig na rinig ang pagbabasag ni Dreor sa mga earbud. Sigurado naman siyang mga earbud ang mga iyon. "Robe, dalhin mo
last updateHuling Na-update : 2023-08-24
Magbasa pa
PREV
1
...
56789
...
11
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status