Kasalukuyan akong nagpapaphotocopy ng aking mga IDs sa tindahan sa bayan ng tumunog ang aking keypad phone.Kinuha ko ito mula sa aking sling bag at tiningnan kung sino ang tumatawag.Unregistered number kung kaya't sinagot ko ito agad. "Hello, si Jayda Sarmiento ba ito?"sabi ng babae sa kabilang linya. "Yes po, ako nga po. Sino po sila?" balik ko. "Hi,Loren Ann, si Mrs. Santos ito, sorry to disturb you langga, may importante sana akong pakay sa iyo." "Hello, Mam, kayo po pala, okay lang po, no problem po, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" magalang kong sagot sa kanya. "Look, my son's friend is looking for a tutor for a six-year boy, and wala akong maisip na pwede sa partime job na ito at kayo ni Arlene. But, Arlene is on vacation, kaya ikaw itong naisip ko," sabi niya pa. "Ah,eh Mam, gusto ko sana din ng extra income habang naghihintay ng item sa DepEd, kaya lang ikokonsulta ko muna sa mga magulang ko po," paliwanang ko sa kanya. "Ganun ba langga, sayang malaki pa nam
Terakhir Diperbarui : 2023-06-22 Baca selengkapnya