Home / Romance / Don’t Mess With Me / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Don’t Mess With Me: Chapter 41 - Chapter 50

66 Chapters

Chapter 40

Cedric’s POV “Nasaan si Lexie?” Nanggigigil na tanong ko sa aking mga tauhan mula sa kabilang linya, binalot ng matinding takot ang puso ko ng malaman ko na natunton ng mga Terorista ang kinaroroonan nang aking mag-ina. Akala ko ay okay na ang lahat at ligtas na ang Montenegro mula sa mga kamay ng Terorista ngunit kasalukuyang nagtatago ang ilan sa kanila at napakahirap tukuyin ng mga ito. Dahil natuklasan namin na ang iba ay nagbabalat-kayo bilang sibilyan kaya pinalagyan ko ng checkpoint ang bawat sulok ng Montenegro. Sa kagustuhan kong makasama ang aking mag-ina ay pinadukot ko ang aming anak upang mapilitan na sumama sa akin si Lexie pabalik dito sa Montenegro. Hindi ko man lubos na kilala ang pagkatao ng babaeng mahal ko ay sapat na ang panahong nakasama ko ito upang malaman ko ang takbo ng utak nito. Alam ko na wala na siyang balak bumalik ng Montenegro lalo na ng isilang niya ang aming anak. Aksidente ko kasing nabasa ang maliit na notebook nito na kung saan ay nakas
last updateLast Updated : 2023-07-06
Read more

Chapter 41

Cedric’s POV Buong magdamag na hindi ako natulog habang patuloy na hinahanap ng mga tauhan ko si Lexie. Umaga na ngunit wala pa rin akong natatanggap na tawag mula sa aking mga tauhan. Nakayukyuk ang ulo sa ibabaw ng lamesa, habang nakapikit ay samu’t saring isipin ang naglalaro sa utak ko. Matinding pag-aalala ang nararamdaman ko na baka mamaya ay nakuha na ng mga terorista si Lexie at baka pinahihirapan na ito ngayon. Parang sinasakal ang dibdib ko sa mga masamang isipin na pumapasok sa utak ko. Bigla akong nag-angat ng ulo ng marinig ko na naring ang cellphone ko, maging si Mr. Ross ay napa-ayos ng upo habang naghihintay na sagutin ko ang tawag. “My Lord natagpuan na si Señorita at kasalukuyan itong sakay ng isang bagong sasakyan at sa tingin namin ay tinatahak nito ang daan patungo diyan sa mansion-“ kaagad kong pinutol ang tawag at mabilis na tumayo, nakahinga ako ng maluwag maging si Mr. Ross, at halos sabay pa kaming tumayo. Nagmamadaling tinungo ang pintuan upa
last updateLast Updated : 2023-07-06
Read more

Chapter 42

Lexie’s POV Sa pagmulat ng aking mga mata ay ang puting kisame ang una kong nasilayan, nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Pamilyar ang kwarto na kinaroroonan ko, sa loob ng isang taon na lumipas ay walang nabago dito ito pa rin ang kwartong iniwan ko noon. Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ko ang lahat ng nangyari at ang dahilan kung bakit ako naririto. Binuksan ko ang closet at namili ng damit na maaari kong isuot. Nang makita ko ang isang maong shorts at white t-shirt ay kaagad ko itong isinuot bago lumabas ng kwarto. Habang naglalakad pababa ng hagdan ay yumuyukod sa akin ang bawat katulong na nasasalubong ko. “Come on, Jess hindi mo kailangang yumukod sa akin,” walang gana kong sabi kay Jess ng makilala ko ito, bigla siyang napangiti at kaagad na lumapit sa akin. Napansin ko na nagulat ang ibang katulong ng mahigpit akong yakapin nito, may kung anong damdamin ang humaplos sa puso ko dahil sa totoo lang ay namiss ko rin ito. “Señorita, buti bumalik
last updateLast Updated : 2023-07-06
Read more

Chapter 43

Lexie’s POV Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng matapos kong pirmahan ang marriage contract sa harap ng Judge, napakabilis ng mga pangyayari hindi ko sulat akalain na ngayong araw mismo ay magaganap ang civil wedding sa pagitan naming dalawa ni Cedric. Hindi ko siya lubos na maunawaan kung bakit kailangan niyang madaliin ang lahat. Next month ay ikakasal naman kami sa simbahan, pakiramdam ko ay may itinatago sa akin ang lalaking ito. “Congratulations, Pare, sana ito na ang huling pagkakataon na ikakasal kita.” Narinig kong saad ng Judge kay Cedric na sinundan pa ng malakas na tawa habang si Tanda ay napapakamot sa ulo. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na sumingit sa usapan ng dalawa. “Excuse me po, ibig po ba ninyong sabihin, eh kayo rin ang nagkasal sa kanila ni Chloe?” Nagugulumihanan na tanong ko sa Judge. Hindi pa ito gaanong katandaan at sa tingin ko ay matanda lang ito ng mga limang taon kay Cedric na ngayon ay asawa ko na. Sabay na tumingin sa
last updateLast Updated : 2023-07-07
Read more

Chapter 44

Cedric’s POV“You see, what have you done? Tigilan mo na ako Agatha dahil may asawa at anak na ako.” Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis ko na itong tinalikuran at nagmamadaling lumabas ng aking opisina. Sa totoo lang ay natatakot ako na baka biglang umalis si Lexie at iwan ako nito.Halos paliparin ko ang sasakyan para lang mabilis na makarating sa mansion habang malakas ang kabog ng dibdib ko.Pagpasok sa gate ay pabalagbag na ipinarada ang sasakyan sa harap ng mansion at nagmamadaling bumaba ng sasakyan.Napansin ko ang kararating lang na sasakyan ng aking mga tauhan.“Lexie!” Malakas na tawag ko sa pangalan nito na siyang bumulabog sa buong kabahayan ng nasa pintuan na ako ng mansion.Ang nagtatakang mukha ng mga katulong ang sumalubong sa akin at bahagya pang natakot ang mga ito ng magtanong ako.“Ang Señorita n’yo?” May pag-aatubili kong tanong.“S-sa kwarto po.” Nauutal na sagot nito sa akin.Halos takbuhin ko ang hagdan para mabilis lang na makarating sa kwarto.Pagbukas ko n
last updateLast Updated : 2023-07-07
Read more

Chapter 45

Tila huminto sa pag-ikot ang mundo para tatlong mag-ama, kapwa hindi nakahuma sa kanilang kinatatayuan dahil sa matinding damdamin na bumabalot sa buong paligid.Si Cedric na nanatiling nakamasid lang sa tatlo, hindi na niya ikinagulat ang biglang pagpasok ng asawa, kilala niya ang ugali nito kaya inaasahan na niya na mangyayari talaga ito.Si Elias na wari mo’y naengkanto at hindi makapaniwala sa babaeng nakatayo sa kanyang harapan. Nakikita niya sa katauhan ni Lexie ang namayapang asawa dahil kawangis ito ng mahal niyang si Melissa, hindi lang sa anyo maging sa personalidad nito. Bumuhos ang matinding emosyon sa pagitan ng mag-ama, nanginginig ang katawan na humakbang ito palapit sa nawawalang anak.Mga mata’y nanlalabo dahil sa mga luhang nagbabadya ng pumatak.Si Chloe na hindi makapaniwala habang nakatitig sa mukha ng kakambal na tila siya ay na nanalamin lamang, habang walang tigil sa pagluha ang kan’yang mga mata.Lexie’s POVNapatda ako ng makita ko ang isang babae na halos k
last updateLast Updated : 2023-07-08
Read more

Chapter 46

Lexie’s POV“Hep, saan ka pupunta?” Anya kay Tanda ng akma na nitong pipihitin ang seradura ng pintuan. Humarap siya sa akin saka nakangiting lumapit bago hinalikan ako sa labi.“Papasok na ako, Honey.” Nakangiti niyang sagot sa pinalambing na tinig at muling pumihit paharap sa pintuan.“Mr. mukhang may nakalimutan ka yata.” Saad ko habang nakataas ang kaliwang kilay sabay lahad ng palad ko sa kan’yang harapan.Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita.“Honey naman, kailangan pa ba talaga ‘yan?” Malumanay na tanong nito sa akin.“Aba’y oo naman, maigi na yung nakakasigurado, mahirap na, baka masalisihan.” Mataray kong sagot ng hindi inaalis ang nakalahad na palad sa harapan nito.“Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa akin kapag nalaman ang tungkol dito, nakakahiya, wala ka na bang tiwala sa akin, Honey?.” Litanya pa nito na halos hindi na maipinta ang mukha.“Huwag mo ng itanong ‘yan dahil alam mo naman ang sagot. Isa pa, kahit Governor o Presidente ka p
last updateLast Updated : 2023-07-09
Read more

Chapter 47

Lexie’s POVNandito ako ngayon sa aming mansion, nais ko kasing makabonding ang kapatid ko at si Daddy, habang ang aking anak ay nasa kanyang yaya.Ito na rin ang paraan ko para makaiwas kay tanda, isang linggo na ang lumipas ngunit hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob ko sa kanya.Ilang beses na tinangka akong kausapin nito ngunit hindi ako matyempuhan nito kasi magaling akong magtago.May time pa nga na tuluyan ng nasagad ang pasensya nito dahil sa pambabalewala ko sa kanya kaya pinasok niya ang kwarto ko ngunit mabilis akong nakalipat sa kabilang kwarto sa pamamagitan ng bintana. At ngayon ay nandito ako sa amin dahil masyado na siyang agresibo na makausap ako, hmp, tingnan natin kung hindi ka magtanda. Natigil ako sa paghakbang dahil sa dalawang taong nag-uusap mula sa kwarto ng aking kakambal.“Babe, alam ko na matagal mo ng pangarap ito, pagkakataon mo na makamit ang pangarap mo kaya bakit palalampasin mo pa? Sabihin mo sa akin may nangyari na naman ba? May ginawa
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 48

Lexie’s POV“Anong nangyari sayo at parang nakakita ka ng multo?” Tanong sa akin ni Madam Ferly, hindi kasi ako mapakali sa aking kinatatayuan.Parang nagdadalawang isip ako na lumabas ng stage, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ni Tanda sa oras na makita ako nito.Muli akong sumilip at kita ko na panay lang ang kalikot ni Tanda sa kanyang cellphone, simula kanina ay hindi man lang maalis ang mga mata nito sa screen ng kanyang cellphone.Nakadama ako ng inis, sino kaya ang katext nito? Nakasimangot na ako, parang gusto ko ng lapitan ito para hablutin ang cellphone nito at itapon. Naagaw ang atensyon ko sa pagdating ng isang babae at umupo ito sa tabi ng aking asawa.Lalong kumulo ang dugo ko dahil sa matinding selos, napansin ko lang na simula ng dumating ang babaeng hitad na ‘yon ay hindi na muling sinilip pa ni Tanda ang kanyang cellphone.Hindi kaya si Agatha ang katext nito? Ibig bang sabihin ay okay na ulit sila? Para akong nakarinig ng isang crystal na nabasag mula sa loob
last updateLast Updated : 2023-07-11
Read more

Chapter 49

Pagkarating ni Lexie ng bahay ay kaagad siyang nag shower bago ginamot ang kanyang mga sugat sa kamay at paa.Sinilip muna niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kwarto nito bago bumaba ng hagdan. Ngayon lang siya nakakaramdam ng sakit ng humupa ang galit na nararamdaman.Nagpatuloy siya sa paghakbang hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili na nakaupo sa harap ng bar counter na nasa unang palapag ng mansion.Hindi maipinta ang mukha sa tuwing nalalasahan ang pait ng alak, naalala kasi niya si Uncle Relly na sa tuwing na sasaktan ito at nangungulila sa kanyang pamilya ay nilulunod ang sarili sa alak para hindi niya lubusang maramdaman ang sakit.Sa ngayon kasi ay hindi lang hapdi ng mga sugat ang nararamdaman niya sinabayan pa ito ng sakit mula sa kanyang puso.“Uncle! Sinungaling ka! Ang sabi mo kapag umiinom ka ng alak ay hindi mo na nararamdaman ang sakit? Eh bakit mas lalo akong nasasaktan? Ang sakit, eh!” Anya na sinundan pa ng paghikbi.Eleven na ng gabi ngunit wala pa
last updateLast Updated : 2023-07-12
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status