DINALA niya ang bata sa bandang gilid dahil delikado kung mananatili sila roon sa tabi ng hagdan. Umiiyak pa din ito, kaya hinaplos haplos niya ang likod ng bata nakayakap ngayon sa leeg niya."Shhh, it's alright, you are safe now, don't worry, l will help you find your parent's, so could you tell me their names?" malumanay na sabi niya.Gaya kanina wala pa din siyang nakuhang sagot, napabuntong hininga siya, nag iisip niya ng paraan para kausapin siya ng bata at patigilin ito sa pag iyak, akmang magsasalita siya nang marinig niya ang tunog ng cellphone niya. Kinapa niya ang bulsa at inabot ang cellphone, napakunot noo niya ng makita ang pangalan ng caller, si Munique iyun. "Ano na naman kaya ang kailangan ng bruhang ito sa akin? Eh nagkita na kami kanina," tanong niya sa hangin bago pindutin ang answer bottom."Hello, napatawag ka?" malumanay na bukad niya.Narinig niya ang pag hikbi ng babae, kaya mas lalo siyang nagtaka. Ano nanaman kaya ang drama nito at umiiyak ito ngayon."Hoy!
Read more