Katlyn's POV NANG makarating na kami sa kama ay agad ko siyang inihiga, inayos ko ang pagkakahiga niya, bumalik ako sa kusina ako kinuha ang maligamgam na tubig na nakalagay sa maliit na planggana, sinimulan kong tanggalin ang kanyang medyas, sinunod ko ang kanyang tuxedo, napalunok at mahigit ko ang aking hininga sa takot at kaba, takot dahil baka magising siya at bigla niya akong pwersahin, kaba dahil baka narinig at nakita niya ang nangyari kanina sa kusina. Napailing ako at itinuloy ang aking ginagawa, natanggal ko na ang kanyang tuxedo at white long sleeves tumambad sa 'kin ang magandang hubog ng katawan ni Lance, dahan-dahan ko itong pinunasan ng bimpo na hawak ko ang hubad niyang upper part, bahagyang nanginginig pa ang kamay ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Napakagat ako ng labi ng hindi sinasadyang mag dampi ang palad ko sa kanyang dibdib, his body is burning in fire, ang init nito kaya nagtaka ako, kaya ko nga siya pinupunasan para mawala ang init at amoy niya
Last Updated : 2023-08-17 Read more