"Buong byahe pong natutulog lang si Shanel sure po ba kayo na bumaba na ang lagnat nya?" Nag-aalala tanong ni Thunder habang nag da drive."Oo Thunder, at isa pa gumising naman sya kanina para kumain diba? medyo ok na sya kasi pinawisan na sya. Sorry at pinagalala ka nya ha." Sabi ng ina ni Shanel."Relax iho, gusto mo ba ako naman ang magmaneho. Baka napapagod ka na." Sabi naman ng ama ni Shanel."Ok lang po ako, malapit na naman tayo. Tingnan nyo na lang po ai Shanel baka biglang tumaas ang lagnat mahirap na.""Talagang close na kayo nitong anak ko. Salamat sayo iho at nagtityaga ka sa anak ko kahit na minsan alam kong sobrang banas ka na sa kanya. Alam ko naman kasi na pasaway talaga to." Mahabang lintaya ng ama ni Shanel."Ok lang naman po kaya naman. Talagang minsan nakaka pundi sya, kaya pa naman po. Magsasawa rin yan sa kakaaway sakin."Nagising si Shanel nasa bahay na sila. Medyo ok na rin ang pakiramdam nya. Kaya sinubukan nyang tumayo. Nagtataka sya kong pano sya nakarating
Last Updated : 2023-11-21 Read more