Alas onse na ng tanghali nakarating si Trixxie sa hospital. Buti na lang at andun ang Kuya Harvey niya at siyang salitan na nagbabantay kay Trevin kasama ng mga magulang. Isang nakangiting Trevin ang sumalubong kay Trexxie. "Mama." Inangat nito ang mga braso, tanda na gusto nito yumakap sa ina. Kung meron man pambawi sa mga kamalditahan ni Trixxie noong kabataan niya ay si Trevin iyon. Disiotso lang siya nang mabuntis at kailanman ay hindi niya inisip na isang disgrasya ang nangyari sa kanya. Unplanned but not unwanted. "Kumusta ka anak?" malambing niyang tanong atsaka hinalikan ang tuktok ng ulo nito. "Na-miss po kita, Mama." Hinalikan din Trevin ang pisngi ng ina. "Ay, ang sweet naman ng mag-ina." Ang singit ni Harvey na ngayon ay may bitbit na pagkain na nasa tray. "Oh, kumain ka muna Trixxie." Tinanggap ni Trixxie ang tray ng pagkain at tumungo na sa sofa bed para kumain. "Nag-rounds na ang Doctor kanina ni Trevin at mamayang hapon malalaman kung sino ang compatible na donor
Last Updated : 2023-04-08 Read more