JENNA“SO, REALLY, when do you want us to get married? This summer na ba o gusto mo pang maghintay. I’m not rushing you, babe. Sina Mommy ‘yon. Pero kung hindi ka pa talaga ready, you can take all the time you need.”Napalabi ako habang tinatapos ang pagdidilig sa mga halaman ko bago kami mag-almusal pagkatapos ay umakyat para ituloy ang painting session niya na ako na naman ang modelo. “Kaya pala araw-araw ka kung magtanoong?”“Umaga, tanghali, gabi…” Ngumisi ito. “Baka lang naman kasi magbago ang isip mo at mag-set ka na ng date.”“Bukas, gusto mo pakasal na tayo.” Tinapunan ko siya ng matamis na ngiti.Sandali siyang natigilan habang nakasandal sa gilid ng dingding, suot pa ang kanyang running outfit at naaarawan ng pang-umagang sikat ng araw. Pagkatapos ay tumingin ito sa kaliwa, saka sa kanan, sa labas ng gate,, at nag-tense ako. Noong tumuwid siya at humakbang palapit sa akin, hindi ko alam kung bakit pero nagulat kasi ako at naitutok ko sa kanya ang hose ng tubig.At iyon, nata
Last Updated : 2025-02-19 Read more