Mico's Point Of View.Nakakainip mag hintay kina Jam, bakit ba ang tagal ng mga 'yon? Inis na maktol ko sa sarili ko nang biglang may pumasok sa opisina ko. Tama may sarili akong opisina dito. Hindi ako papayag na si Kuya lang ang may opisina sa school na ito.Napadako ang paningin ko sa pinto ng pumasok si Tita sa loob. Ito ang Vice president ni Daddy, pero anong ginagawa nito dito?''May kailangan po ba kayo?'' tanong ko dito na agad akong pinukpok ng journal sa ulo.''Aray naman po, pumasok kayo dito para lang paluin ako ng lintik na journal na ito? Ano bang kasalanan ko huh?'' tanong ko dito saka padabog na umupo.''Dumating na ang Kuya mo, wala ka manlang bang planong puntahan ito at batiin huh?'' mahinahong sabi nito habang naka cross arm.Grabe binigyan talaga ito ni Dad ng three percent share sa paaralang ito? Haisst kainis nang mawala si Mom parang ito na ang pumalit kay Mommy o mas malala pa yata.''T'saka ko na pupuntahan si Kuya, Tita may lakad ako ngayon.'' sagot ko dito
Last Updated : 2023-03-07 Read more