ERICAPagkatapos ng mga guni-guni kong iyon ay tinawagan ko na nga si Elmo. At hindi naman nagtagal ay sinagot na niya. Baka busy lang siya kahapon, nagtataka na tuloy ako kung ano na ang sitwasyon nila ni Lola Perla. Siguro naman maayos ang paglilipat nila sa Cavite.“Hello, Ekay! Bakit napatawag ka? Kumusta ka diyan? Hindi ka na ba inaalipusta ng asawa mong —-?”“Relax El, grabe ang tanong mo ha?” Napapangiti kong putol sa mga sasabihin niya. Masyado siyang exaggerated.“Eh kasi naman di ba? Baka kung ano na ginagawa sayo diyan, buntis ka pa naman,” aniya.“Hindi El, huwag kang mag-alala, mukhang nagbago na si Troy, mabait na siya sakin at maasikasi na rin. At saka kagagaling lang ng magulang niya dito at sobrang bait nila sakin.” saad ko.“Talaga! Mabuti naman kung ganun atleast di ba may kakampi ka na incase may gawin si Troy sayo, isumbong mo sa mga magulang niya." biro niya.“Ikaw talaga! Ang laki na nang pinagbago ni Troy, El kaya malabo nang mangyari na lokohin niya ulit ako.
Last Updated : 2023-03-17 Read more