Hindi nagtagal madalas na kaming magkasama ni Ava ng hindi ko namamalayan. Okay siya kausap. Maraming bagay na parehas naming napagkakasunduan. Minsan nag rirides kami 4 am tapos out of nowhere pupunta kung saan. Tamang gala lang. Ang totoo masaya siyang kasama. May sense naman din kausap pero may mga pagkakataong naiisip ko pa din talaga si Mayumi.. Halos 1 month na din akong walang balita. Minsan iniistalk ko ang social media niya pero obvious na hindi ito mahilig mag update. "Saan ang sunod nating rides? Any suggestion? Ako na lang parati ang pinag iisip mo. Ikaw naman.." Kasalukuyan kaming andito sa auditorium nag aayos para sa magaganap na special lesson sa buong ICT class. "Ikaw ang magaling sa part na yan ei.. Kaya mo na yan.." Hayag ko dito habang abala ang mga kamay kong isalansan ang mga upuan, pag tapat tapatin at gawing straight. "Wala.. Ang sabihin mo madaya ka talaga.." Natatawang pasaring nito. Nakuha pang makipag harutan, makipag laro na parang bata. Ginugulo ang
Last Updated : 2023-03-28 Read more