SINUSUNTOK at pinagsisipa ko ang punching bag na asa harapan ko ngayon. Doon ko inilalabas ang lahat nang galit ko. Gusto kong magwala, gusto kong manuntok. Pero pinipigilan ko ang sarili ko."Tama na, walang kalaban-laban sa iyo ang punching bag," natatawang awat sa akin ni Clint.Hinawakan ko ang punching bag at idinikit ang aking ulo doon. Gusto kong i-umpog ang ulo ko doon nang paulit-ulit."Ano na naman ang problema mo? Ahh! Alam ko na si Sheena na naman?" tanong nito sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin."Ang hirap paamuhin," sambit ko dito. Habol ko ang hininga ko, dahil sa walang humpay na pagsuntok ko sa punching bag."Kahit na sino Clyde, mahirap talaga paamuhin. Alam mo iyon, may kasalanan ka.""Sana ay pinakinggan niya ako. I have to explain my side." Iniwan ko si Clint doon at umupo sa may upuan. Pinunasan ko ang aking pawis."Nasaktan si Sheena, Clyde. Paano iyan, paano na si Ivy at ang anak niya?" di agad ako nakaimik sa tanong ni Clint."Ivy is out of my problem, hind
Read more