Buong byahe ay kwento nang kwento si Atlas tungkol sa kanya. Hindi naman siya iniimikan ni Fe. Hindi kasi siya interesado sa buhay ng lalaki. "Malayo pa ba?" tanong ni Fe sa inip. Rude na pagputol niya sa sinasabi ni Atlas."Malapit na tayo, Fe," sagot ni Atlas habang nagmamaneho. Tumingin naman si Fe sa bintana at nakita ang guard house sa malayo.Kaagad niyang binuksan ang sling bag at nagsalita. "Okay, how much is it?" "Libre lang para sa future wife ko," pang-aasar na tugon ni Atlas habang nakatuon ang tingin sa kalsada. Napatigil naman si Fe sa paglalabas ng pera at tumingin kay Atlas."Future wife?" Natawa na lamang si Fe. "Dream on. I don't have time for jokes. How much is it?" Pinagpatuloy ang paglabas ng pera."Libre nga lang para sa future wife ko," ulit ni Atlas pero seryoso na. "Para sa kaalaman mo, inaabot ko ang pangarap ko at ginagawa lahat ng paraan," duktong pa niya."Really? Then your dream won't come true if it involves having me. I don't intend to love or fall in
Read more