Thalia's POV Pumasok kami sa loob ng grocery store para mamili ng mga pagkain at iba pang kakailanganin namin sa pang-araw-araw. I think, aalis kami ni Axel at pupunta sa malayong lugar. Though, wala pa siyang sinasabi sa akin.Tumingin ako sa kaniya habang kumukuha siya ng cart. Pagkatapos namin mag-usap kagabi, pinakain at pinatulog na niya ako. I still can't believe it. Nagawa iyon nina lolo? But why? Wala sa ugali nila ang gagawa no'n sa kapwa.Wala na si Lolo Cosme nang ipanganak ako kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala siya, but nandyan pa si Lolo Guillermo. Matulungin siya lalo na sa mga nangangailangan. Hindi niya magagawa ang bagay na iyon."Kailangan natin magtipid. I can't use my cards, matutunton nila tayo at kukunin ka nila sa akin. Ayoko."Napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya. "Hmf."Agad ko siyang tinalikuran. After our talk last night, talagang may gana pa siyang maging keso?Tumingin siya sa akin at ngumiti. Walang gana akong nagpatuloy sa paglalaka
Last Updated : 2023-03-04 Read more