Dahil sa mga kakaibang nangyayari sa Siargao ay nag nag pasya nga sina Luke at Trisha na bumalik sa hacienda."Siguro naman hindi ka na masusundan pa ng kung sino man na laging nag papadala sa'yo ng kung anu-ano!" ani Luke."Sana nga Luke, medyo na wewerduhan ako sa kung sino man iyon!"sagot naman ni Trisha."Sisiguraduhin ko na wala nang manggugulo sa iyo dito, Trisha. Mag dadagdag tayo ng security guards dito at kukuha tayo ng bodyguards mo para kung lalabas ka ay may mag babantay sa'yo," ani Luke."H'wag na Luke! Tama na ang security guards, huwag mo na akong bigyan ng bodyguards dagdag gastos lamang iyan!" pag tanggi ni Trisha sa alok ni Luke."Trisha, huwag mong isipin ang gastos! Marami tayong pera, aanhin ko ang maraming pera kung mapapahamak ka naman? Gusto ko lang siguruhin ang kaligtasan mo dahil maraming loko-lokong nag kalat sa paligid!" pag pupumilit ni Luke."Sige na nga! Mukhang hindi na ako makakatanggi pa sa'yo eh!" nakangiting ani Trisha saka yumakap kay Luke."Sisig
Last Updated : 2023-02-24 Read more