MY guess was right. Mas humigpit nga ang pagbabantay nila sa akin dito sa bahay. Kaunting galaw ko lang, alerto sila at tila handa nang hulihin ako. Pero nang lumipas na ang ilang araw, doon ko na napansin ang pagluwag ng pagbabantay sa akin. Mahigpit pa rin kung tutuusin, pero kayang-kaya ko nang takasan. “I won’t be home tonight. Kaya please lang, huwag matigas ang ulo mo. Don’t try to escape, Leticia. Dadalhin ko pa naman ang ibang bodyguard natin.” Tinatamad akong tumango kay Daddy. We’re having lunch together now. Minsan lang ito mangyari. Suntok sa buwan. Madalas kasi ay abala siya sa mga responsibilidad niya bilang gobernador ng lugar namin. “Baka sa susunod na araw pa ang dating ng bago mong bodyguard. Ang sabi ni Greco, ipapadala na niya raw ang pinakamagaling niyang bodyguard. Sa pagkakataong ito ay hindi na siya mapapahiya sa akin.” Palihim akong ngumisi at nakuryoso sa nalaman. Tito Greco, his old friend, owns the Cueves Protection. It’s an agency specialized in securit
Read more