FaithNagising ako dahil sa sikat ng araw, hindi ko iyon pinansin at gumulong sa kama para ipagpatuloy ang aking tulog. Kinapa ko ang kama para sana yakapin ang aking katabi pero wala akong na kapa Agad akong nagmulat ng mata para sana hanapin ang anak ko pero laking gulat ko ng makitang wala na siya sa tabi ko "Aciel" malakas kong sigaw at bumangon sa kama Mabilis na umikot ang mata ko sa paligid para hanapin siya, pumunta ako sa kabila ng kama at hinanap siya sahig ngunit wala siya roon Agad akong kinain ng kaba sa dibdib, malakas ang kabog ng aking dibdib habang pinapalibot ang tingin. Nagtungo ako sa mga puwede ko siyang mahanap sa buong kwarto ngunit wala siya doon Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan Para akong nawawalan ng hininga sa dibdib at nanghihina pa ang aking mga hita dahil sa nangyayari ngayon "Manang Rose, manang Rose" sigaw ko sa mayordoma ng bahay habang pababa ng hagdan "Manang Rose" muli kong tawag at nagmamadali naman siyang lumapit saakin"
Huling Na-update : 2023-07-16 Magbasa pa