"Natutulog pa po Tita eh," mahinang sambit ni Katy sa katawag.Pinagmamasdan nito ang kaibigang si Elyse na mahimbing pa rin sa pagkakatulog. Siguradong late na itong magigising dahil late na rin silang natulog kagabi. Alas-dose na silang natulog dahil sa pagmo-movie marathon ng magkaibigan."O' sige, basta't kapag nagising ay alam mo na ang gagawin ha. Maraming salamat Hija."Mababakas sa boses niya ang kasiyahan."Opo, ako na po'ng bahala Tita.""Sige po, b-bye."At kapagkuwan ay pinatay ang linya. Naghahalo ang kaniyang nararamdaman habang pinagmamasdan ito, alam niya kasing magagalit si Elyse sa kaniyang ginawa. Lalo't nangako pa siya naman dito na hindi niya sasabihing sa kanila siya pansamantalang naninirahan. Sa unang pagkakataon ay, pakiramdam niya'y sinaksak niya ito ng patalikod. But she have no choice either. Hindi rin naman niya puwedeng tanggihan ang Ginang dahil naki-usap ito ng mataimtim sa kaniya. Ang isa pa ay nalaman na rin ng kaniyang Mommy at Daddy ang pagtatagong
Last Updated : 2022-12-31 Read more